9-anyos na Bata, Ginahasa ng dating Katiwala sa Nueva Vizcaya

44

Cauayan City, Isabela- Arestado ang 50-anyos na lalaki na kabilang sa listahan ng pagiging Top 1 Most Wanted Person sa Nueva Vizcaya matapos itong dakpin ng mga awtoridad sa Dupax Del Norte kahapon, June 6,2021.

Kinilala ang akusado na si Anno Binaliw, may-asawa, isang magsasaka at residente ng Purok Canade, Barangay Oyao sa nabanggit na bayan.


Dinakip si Binaliw ng pinagsanib na pwersa ng Dupax Del Norte Police Station Tracker Team, Nueva Vizcaya Provincial Intelligence Unit at 2nd Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company matapos isilbi sa kanya ang warrant of arrest para sa kasong Panggagahasa na ipinalabas ni hukom Paul Attolba Jr., Presiding Judge ng RTC Branch 30, Bayombong.

Sa ulat ng pulisya, taong September 2020 ng manilbihan ang suspek sa mga magulang ng biktima bilang helper ng molestyahin nito ang 9-anyos na bata sa Barangay Balete, Kayapa, Nueva Vizcaya.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga ng Dupax Del Norte Police Station si Binaliw bago ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments