ACTIVE DEFENSE | AFP, naka-full alert dahil sa posibleng sunod-sunod na pag-atake ng CPP-NPA

Manila, Philippines – Naka-full alert at mas naging vigilant o mapagmasid ang tropa ng militar dahil sa inaasahang pagatake ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army.

Ito ay dahil sa pagdiriwang ngayong araw ng ikaw-49 na taong anibersaryo ng Communist Party of the Philippines.

Ayon kay AFP Spokesperson Col. Edgard Arevalo alam o inaasahan na nilang gagawa ng pag-atake ang mga communist terrorist group dahil nakagawian na nila ito.


Nanawagan naman ang AFP sa mga miyembro ng CPP-NPA na sumuko na lamang sa pamahalaan upang makasama ang kanilang mga pamilya at makapamuhay ng normal.

Nanatili namang naka-active defense ang militar para pigilan ang anumang panggugulo at pananabotahe ng CPP-NPA.

Facebook Comments