MAG-REPORT | Mga dayuhan sa Pilipinas, pinagre-report ng Bureau of Immigration sa kanilang tanggapan

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Bureau of Immigration ang lahat ng mga rehistradong dayuhan sa Pilipinas na mag-report ng personal sa pinakamalapit na tanggapan ng ahensya mula Enero hanggang Marso 2018.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, required ang foreign nationals na taunang mag-report sa kanilang tanggapan base na rin sa 1951 Alien Registration Act.

Sinabi ni Morente na ang dayuhan na hindi tatalima dito ay maaring pagmultahin o makulong.


Bahagi rin ng annual reporting ng mga dayuhan ang pagprisinta ng kanilang original na Alien Certificate of Registration Identity Card (ACR I-Card).

Ang mga rehistradong dayuhan naman na wala ngayon sa bansa ay may tatlumpung araw mula sa pagbabalik sa Pilipinas para sa annual report.

Facebook Comments