ACTO President Efren de Luna, pumanaw na sa edad na 67

315

Pumanaw na sa edad na 67 si Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) National President Efren De Luna matapos atakihin sa puso.

Ayon sa kanyang pamilya, umaga kahapon nang matagpuan ng 87-anyos na ina nito si De Luna sa kanyang kwarto na wala nang buhay.


Agad naman itong isinugod sa ospital pero idineklara itong dead on arrival.

Isasagawa naman ang burol nito sa Funeraria Samson sa Bacoor, Cavite.

Si De Luna ay dekada nang naglilingkod na Presidente ng ACTO kung saan abala ang grupo nito sa nakatakdang pagpupulong sa March 31 na deadline na itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa aplikasyon ng PUV Modernization program

Facebook Comments