Actor na si Eddie Garcia, nasa kritikal na kondisyon

42713

Viral ngayon sa Social Media ang report na comatose umano ang beteranong aktor na si Eddie Garcia.

Sa larawang ipinost ng netizen na si Glaysa Apoya, makikita ang 94 years old na aktor na walang malay habang nasa shooting ng isang telenovela sa Katuparan Street sa Tondo, sa Maynila.


Sama-sama umanong binubuhat si garcia ng mga tao at kaagad na isinugod sa mary johnston hospital sa Tondo.

Sinasabing nahilo at nawalan ng malay ang aktor dahil sa matinding init.

Sinabi naman ni Direk Armand Reyes na wala pa ring malay ang aktor sa loob ng Emergency Room ng nasabing Ospital.

Marami ang agad na nagpahayag ng pag-aalala sa aktor.

Kabilang sa mga agad nag-tweet ay ang aktres na si Aiko Melendez at ang beteranang aktres na si Vivian Velez at nanawagan ng dasal para kay Garcia na umanoy nasa kritikal na kondisyon ngayon.

Facebook Comments

From Advertisers