Pangulong Duterte balak na balasahin ang mga opisyal ng PhilHealth

378

Gustong magpatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte ng balasahan sa Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth kasunod ng mga anomalyang lumutang patungkol sa dialisys claims.

Sa isang interview kay Pangulong Duterte, ay sinabi nito na hindi talaga katanggap tanggap na maraming pera ng taumbayan ang nawawala dahil sa katiwalian at sa umiiral na modus sa PhilHealth.


Binigyang diin ng Pangulo na kailangang magkaroon ng malawakang rigudon sa mga opisyal ng Philhealth kung saan kailangan ding maglatag ng bagong sistema lalo na sa accounting system para makita kung magkano ang hawak na pondo at kung paano ito mapoprotektahan.

Pero sa kabila nito ay naniniwala naman si Pangulong Duterte na walang kinalaman sa anomalya ang OIC ng PhilHealth na si Roy Ferrer.

Facebook Comments

From Advertisers