ADBOKASIYA NG ISANG MIYEMBRO NG LGBT COMMUNITY MULA SA BAYAN NG MALASIQUI KASABAY NG PAGTATAPOS NG PRIDE MONTH, ALAMIN

Bilang pagtatapos ng pride month ngayong buwan ng June, ating bigyang pagkilala ang magandang adbokasiya ng isang miyembro ng LGBT community mula sa Bayan ng Malasiqui.
Siya si Jericka Padilla, reigning Miss Gay Malasiqui 2020 na ang layon ay ipakita ang pagpapahalaga sa sarili ng mga kabataan upang tumaas ang kanilang kumpiyansa.
Upang magawa ito, siya at ang mga kateam sa Auramazing ay naghandog ng free make over sa mga graduating students ng Ican Elementary School para sa kanilang Graduation Pictorial.

Kitang kita sa mukha ng mga bata ang kanilang galak dahil sila’y mas gumanda at pumogi lalo.
Masaya si Jericka na naibahagi nito ang kanyang kakayahan at naibandera ang kanyang beauty with purpose. |ifmnews
Facebook Comments