Nadugtungan pa ang haba ng panahon para isakatuparan ang mga proyekto sa ilalim ng
Philippine Rural Development Project 2 o PRDP 2.
Sa virtual presser sa Department of Agriculture (DA), sinabi ni PRDP Program Director Shandy Hubilla, na nilagdaan ng World Bank at Pilipinas ang pangalawang additional loan para maipagpatuloy ang mga programa sa ilalim ng Philippine Rural Development Project 2 o PRDP 2.
Kabilang dito ang pag-access ng agriculture sector ng mga financing support at equipment sa ilalim ng Farm at Fisheries Clustering at Consolidation o ang F²C².
Layon nito na makatulong sa pagpapalakas ng produksyon ng pagkain sa bansa.
Halos 90 percent na ang kumpleto ng mga proyekto sa original na loan na $501-M.
Ang $280- M na mga proyekto sa ilalim ng additional loan ay nasa 78 percent nang tapos at target na makumpleto sa December 2022.