Adik na tubero na kalalaya lamang, pinagbabaril patay sa QC

63

Manila, Philippines – Patay ang isang tubero matapospagbabarilin sa loob mismo ng kanyang bahay sa Libis Extension, Kalayaan C St.,Brgy. Batasan Hills, Quezon City.
  Kinilala ang biktima na si Jomar Triles, alyas ‘Tamul’,22-anyos.
  Ayon sa  kapatid ngbiktima na si Alexis, nag-iinuman sila ng kanyang nakababatang kapatid atiniwan niya lang ito sandali para ihatid ang kanyang girlfriend.
  Nang kanyang katukin ang kanilang bahay, tumambad na sakanyang harapan ang walang buhay na katawan ng kanyang kapatid.
  Aminado naman ang kapatid ng biktima na dati nanggumagamit ng ilegal na droga ang kanyang kapatid, at sumuko na rin ito dati saOplan Tokhang.
  Kwento naman ni Edgardo Aguilar, BPSO, nakita nila habang rumuronda ang apat na lalakingnakasuot ng bonnet at ilang minuto lang ay nakarinig na sila ng sunud-sunod naputok ng baril.
  Inaalam pa ngayon ng pulisya kung anong motibo sa likodng pamamaril.at inaalam din kung mayroong CCTV camera sa pinangyarihan ngkrimen.
 

Facebook Comments