Dalawang katao kabilang ang menor de edad, nahulihan ng marijuana sa QC

60

Manila, Philippines – Arestado ang isang vendor kabilangang menor de edad matapos na mahulihan ng marijuana sa Brgy. ImmaculateConcepcion Cubao Quezon City.
  Kinilala ang mga suspek na sina  Emerson Garcia 23 anyos  vendor at residente ng Prayer Mountain Tanzados Antipolo City at isang menor de edad 17 anyos na itatago natin sa pangalang  alyas Julius anyos residente ng  LemeryBatangas.
  Ayon sa pahayag ni PI2Mark Anthony Marfilla kaninang
1:25 ng madaling araw habang nagpapatrolya ang mgakagawad ng BPSO sa pangunguna ni Prince Brian Maximo pumasok sila sa 5 NetComputer Shop na matatagpuan  sa F.Manalo Street Brgy. Immaculate Concepcion Cubao QC upang tingnan kung mayroongmga menor de edad na naglalaro sa naturang Computer Shop.
  Pagbungad pa lang nila ay nakita na nila ang isang maliit na papel na naka rolyo na nakalagay saharapan ng dash board ng Computer Shop nang buksan nila ang papel nakita roonang isang plastic sachet na may lamang hinihinalang marijuana.
  Agad na dinala sa Station 10 ng QCPD ang dalawang suspekpara sampahan ng kaukulang kaso ang isang vendor habang ililipat naman satanggapan ng DSWD ang menor de edad na naaresto.

Facebook Comments