Hiniling ng PNP Internal Affairs Service sa National Police Commission (NAPOLCOM) na bigyan sila ng Adjudicatory Powers.
Kabilang na rito ang kapangyarihang maghain ng pinal na desisyon at hindi lamang natatapos sa pagbibigay ng rekomendasyon ang hiling ng PNP-IAS.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General, Atty. Alfegar Triambulo, kung mabibigyan sila ng Adjudicatory Powers ay mas mab ibigyan sila ng ngipin sa imbestigasyon laban sa mga tiwaling pulis at mapatawan ng kaukulang disiplina ang mga ito.
Mas mapapabilis ang paggulong sa mga kasong kinasasangkutan ng mga tiwaling pulis.
Pagmamalaki ng PNP-IAS, sa 4,300 kaso ng mga pulis na kanilang hinahawakan ngayong taon ay nasa 300 kaso na lamang ang kanilang nireresolba.
Una nang sinuportahan ng PNP-IAS ang panukalang inihain ni PBA Partylist Representative Jericho Nograles na layong ihiwalay ang IAS sa PNP upang hindi maimpluwensyahan ng mga matataas na opisyal ang resulta ng imbestigasyon.