14 pulis na dawit sa pagpuslit ng kontrabando sa loob ng Bilibid, iniimbestigahan na

699

Iniimbestigahan na ang 14 na miyembro ng Philippine National Police (PNP) na nagsisilbing augmentation force sa New Bilibid Prison (NBP).

Ito’y matapos mahuli sa aktong nagpupuslit ng kontrabando sa loob ng National Penitentiary.


Ayon kay PNP Spokesperson, Brig/Gen. Bernard Banac, papanagutin nila ang mga nadadawit na pulis kapag napatunayan ang mga akusasyon.

Ang mga sangkot na pulis ay may Ranggong Patrolman hanggang Corporal.

Hinigpitan na ang seguridad sa loob ng Bilibid.

Facebook Comments

From Advertisers