Adjusted schedule ng LRT 1 para sa Christmas Season, ipatutupad na ngayong Biyernes

Ipatutupad na ng Light Rail Transit (LRT) 1 ang kanilang train service operating hours para sa Christmas holiday season simula sa December 20.

Ang unang biyahe ng mga tren mula Dr. Santos Avenue sa Sucat, Parañaque at Fernando Poe Jr., formerly Roosevelt Station, sa Balintawak, Quezon City ay magsisimula ng alas-4:30 ng umaga sa darating na Biyernes, December 20, at sa Lunes, December 23. Samantala, sa December 21, 22, at 24 naman ay mag-o-operate ang mga tren simula alas-5 ng umaga.

Habang sa December 20 at 23, ang oras ng biyahe ng huling tren mula sa Dr. Santos Avenue sa Parañaque ay alas-10:30 ng gabi, at sa December 21 at 22 naman ay alas-10 ng gabi.


Sa bisperas naman ng Pasko, December 24, ay hanggang alas-8 ng gabi lang ang operation nito.

Sa Fernando Poe Jr. Station naman, ang oras ng huling biyahe ng tren ay alas-10:45 ng gabi sa December 20 at 23, habang sa December 21 at 22 ay hanggang 10:15 ng gabi, at sa December 24 naman ay hanggang 8:15 ng gabi lamang.

Bukas pa rin ang LRT 1 sa araw ng Pasko, December 25, at magsisimulang bumiyahe ng alas-5 ng umaga ang first and last station. Ang huling oras ng biyahe naman mula Dr. Santos Avenue Station ay 9:30 ng gabi, at 9:45 ng gabi sa Fernando Poe Jr.

Facebook Comments