
Nag-organisa ng block screening si First Lady Liza Araneta Marcos para sa blockbuster movie na “Hello, Love, Again” sa Uptown Mall, BGC, Taguig City.
Ayon sa first lady, ito ay bilang pagsuporta sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Sa larawang ibinahagi ng unang ginang sa kanyang Facebook page, makikitang tila napaiyak siya ng nasabing pelikula.
Kasama sa mga VIP guest sa block screening sina Senador Chiz Escudero, Pia at Alan Peter Cayetano, at Grace Poe, Taguig City Mayor Lani Cayetano, at mga big bosses ng ABS-CBN at GMA.
Present din sa block screening ang lead stars ng pelikula na sina Kathryn Bernardo at Alden Richards.
Matatandaang nangako ang Office of the First Lady sa Film Development Council of the Philippines ng buong suporta at tulong nito para palakasin pa ang industriya ng pelikulang Pilipino sa bansa.