Adjustment sa pagde-deploy ng mga sundalo, gagawin kung kinakailangan matapos ang pagbabago sa mga local quarantine status

Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Brig. Gen. Edgard Arevalo na nakahanda ang militar na magsagawa ng adjustment sa deployment.

Ito ay matapos na isailalim na sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila habang Modified GCQ sa iba pang mga lugar sa bansa.

Ayon kay Arevalo, kung kinakailangan ang  panibagong deployment o adjustment ay gagawin nila ito sa pakikipag-ugnayan sa Philippine National Police (PNP) at mga Local Government Units (LGU).


Ang assessment aniya ngayong araw ang kanilang pagbabasehan kung dapat na magkaroon ng pagbabago sa deployment.

Ang AFP ay kabilang sa Joint Task Force COVID Shield na tumutulong sa pagbabantay sa mga quarantine control points at quarantine facilities para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments