Adjustment sa pork importation sa ilalim ng Executive Order 128, iaanunsyo ni Domiguez

Nakatakdang ianunsyo ni Finance Secretary Carlos Domiguez ang mga napagkasunduang adjustment sa minimum access volume (MAV) at tariff rates na ipapataw sa aangkating baboy.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, nagkasundo ang Senado at mga economic manager na amyendahan ang Executive Order 128.

Kasunod ito ng mga bagong rekomendasyon na ipinadala ng Senado sa Malacañang kahapon ukol sa nararapat na dami at taripa sa pork importation.


Layon nito na isalba ang local hog industry na posible anilang mamatay dahil sa EO No. 128 na nagtataas sa 404,000 metriko tonelada ng aangkating pork na papatawan lamang ng 5% to 10% na taripa.

Facebook Comments