Naniniwala ang isang maritime expert na tila naisahan ng Tsina ang Pilipinas sa kabila ng umano’y pagiging magkaibigan ng dalawang bansa.
Sa panayam ng RMN Manila kay UP Director of the Institute for Maritime Affairs and Law of the Sea Professor Jay Batongbacal, sinabi nito na hindi nakuha ng Duterte administrasyon ang inaasam na benepisyo mula sa pakikipagkaibigan sa China.
Ayon kay Batongbacal, kung susumahin ay mas marami pang nakuha ang Tsina sa Pilipinas kumpara sa nakuha natin mula sa kanila.
Samantala, nakatakda namang mag-usap sina Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jin Ping sa Biyernes, Abril 8.
Inaasahan ni Batongbacal na uungkatin ni duterte ang mga nakabinbing kasunduang infrastructure projects at joint exploration sa West Philippine Sea.
Habang tatalakayin naman ni Xi Jin Ping kay Duterte ang kasiguraduhang ipagpapatuloy ng susunod na administrasyon ang mga kasalukuyang polisiya ng Duterte admnistration.