Business tycoon Manny Villar, pinakamayamang Pilipino batay sa 2022 World’s Billionaires List ng Forbes!

116

Napanatili ni business tycoon Manny Villar ang titulong richest person in the Philippines ayon sa 2022 World’s Billionaires List ng Forbes.

Ayon sa Forbes, nagkakahalaga ng 8.3 billion dollars ang estimated net worth ni Villar, mas mataas ng isang bilyong dolyar kumpara sa yaman nito noong nakaraang taon.

Dahil dito, mula sa ika-352 pinakamayamang tao sa mundo noong 2021 ay umakyat ito sa ika-263 pwesto ngayong taon.


Si Manny Villar ang namumuno sa Vista Land Corporation at ng kilalang mall chain na Vista Mall.

Ilan sa mga pinoy na nakapasok sa listahan ng Forbes ay sina Enrique Razon, Henry Sy Jr., Andrew Tan, Hans Sy, Herbert Sy, Harley Sy, Teresita Sy-Coson, Elizabeth Sy, Ramon Ang, Lance Gokongwei, Tony Tan Caktiong, Betty Ang, Lucio Tan, Maria Grace Uy, Nari Genomal, Ramesh Genomal, Sunder Genomal, Roberto Ongpin at Dennis Anthony Uy.

Itinanghal naman pinakamayamang tao sa buong mundo ngayong taon si Elon Musk kung saan aabot sa tumatagingting na 219 billion dollars ang kanyang net worth.



Facebook Comments