Administrasyon Duterte, kinalampag ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio sa isyu ng South China Sea

Manila, Philippines – Kinakalampag na ni Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ang administrasyon Duterte sa usapin ng pagkapanalo ng Pilipinas sa international tribunal sa pinag-aagawang South China Sea.

Ayon kay Carpio, partikular na dapat nang buksan ng Pilipinas sa pakikipag-usap sa China ang hinggil sa code of conduct.

Ang aniya’y pagbalewala ng gobyerno ng Pilipinas sa naturang claim ay maituturing na pagbabasbas sa Tsina na ipagpatuloy ang pakikinabang sa karagatan na pag-aari ng Pilipinas.


Inupakan din ni Carpio ang Department of Foreign Affairs sa aniya ay malamya nitong pagtrato sa nasabing usapin.

Samantala, nanindigan ang DFA na dadaanin ng Pilipinas sa diplomatikong pamamaraan ang paghabol sa South China Sea.

tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments