Administrasyong Duterte, bigo pa ring solusyunan ang endo sa bansa

Iginiit ni Akbayan Rep. Tom Villarin na bigo pa rin ang Duterte administration na wakasan ang ENDO sa mga empleyado at manggagawa sa bansa.

 

Sa paggunita ng Araw ng mga Manggagawa, sinabi ni Villarin na tatlong taon na ang nakalipas sa termino ng Presidente pero hindi pa rin nito nasosolusyunan ang problema sa kontraktwalisasyon at dagdag na sahod sa mga manggagawa.

 

Hindi rin nakatulong ang Executive Order 51 na naguutos lamang sa DOLE na igiit ang pagbabawal sa kontraktwalisasyon sa ilalim  ng Labor Code.


 

Dahil dito, nanawagan si Villarin sa Senado na ipasa ang counterpart bill ng Mataas na Kapulungan na nagbabawal sa ‘fixed term employment’.

 

Ipinanawagan din ng mambabatas ang fixed regional wage para makatugon sa mataas na gastusin sa pangaraw-araw.

Facebook Comments