Administrasyong Duterte, patuloy na nakatutok sa usapin ng kagutuman sa bansa

Patuloy na tinutugunan ng pamahalaan ang usapin ng bansa sa kagutuman.

Pahayag ito ni Communications Secretary Martin Andanar kasunod ng resulta ng Social Weather Stations Survey kung saan nasa 12.2% o 3.1 million na pamilyang Pilipino ang nakaranas ng kagutuman sa unang quarter ng 2022.

Ayon sa kalihim, una nang lumikha ng Inter-Agency Task Force on Zero Hunger si Pangulong Rodrigo Duterte na tumututok sa usapin ng kagutuman sa bansa.


Kabilang rin aniya sa mga inisyatibo ng pamahalaan ang gulayan sa barangay at pamayanan programs at iba pang livelihood projects ng gobyerno.

Ayon pa kay Andanar, kahit mayroong pagtaas sa bilang ng mga pamilyang Pilipino na nakaranas ng kagutuman sa unang tatlong buwan ng taong kasalukuyan, mas mababa pa rin aniya ang porsyentong ito kumpara sa naitalang 16% noong huling bahagi ng 2020.

Facebook Comments