PCOO, nakatanggap ng mga bagong broadcast equipment mula sa Chinese embassy

54

Nagpapasalamat si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Martin Andanar sa People’s Republic of China dahil sa pagdo-donate sa PCOO ng mga bagong broadcast equipment.

Ayon kay Sec. Andanar, sa pamamagitan ng mga broadcast equipment na ito ay mamo-modernize ang mga government media assets.

Kabilang sa natanggap ng PCOO ay ang 10-kilowatt FM band digital audio broadcasting transmitter na ilalagay sa Government Communications Academy sa Manolo Fortich, Bukidnon, kapag natapos na ang konstruksyon sa naturang pasilidad.


Nabatid na ito na ang final batch ng broadcast equipment na ipinagkaloob ng China sa Pilipinas mula noong 2018 na nagkakahalaga ng ₱140 million.

Facebook Comments