MANILA, PHILIPPINES – Pinakakasuhan ng Amnesty International (AI) Philippines Sa International Criminal Court ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kaugnay pa rin ito ng umano’y talamak na summary at extra judicial killings sa bansa.
Ayon kina AI Head Officer Jose Noel Olano at Campaign Coordinator Wilmor Papa, dapat na kondenahin ng publiko ang mga insidente ng pagpatay at iwasan ang pagkakaroon ng tinatawag na “culture of silence.”
Sa taunang report ng AI para sa taong 2016 hanggang 2017, special mention ngayon ang Pilipinas bilang isa sa mga bansa kung saan talamak ang human rights violations.
Kasama ni Pangulong Duterte sa listahan sina U.S. President Donald Trump, Prime Minister Orban ng Hungary at si President Erdogan ng Turkey.