Administrasyong Duterte, sinigurong itu-turnover ang lahat ng accomplishment report at action plan hinggil sa COVID-19 sa susunod na administrasyon

Tiniyak ng Palasyo na kanilang itu-turnover sa susunod na liderato ng bansa ang kumpletong report ng Duterte Administration hinggil sa naging mga hakbang at stratehiya nito laban sa COVID-19.

Ayon kay acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, lalamanin ng ulat ang accomplishment reports na may kinalaman sa vaccination rate, mga nakatutugon sa safety seal standards, compliance sa minimum public health standards at maraming iba pa.

Kabilang din sa ipapasa nila sa susunod na administrasyon ay ang binubuong National Action Plan Phase 5 kung saan ito ang magiging road map patungo sa new normal.


Kabilang dito ang pagbubukas ng ekonomiya habang sumusunod ang lahat sa health & safety protocols para makapag hanapbuhay na ulit ang ating mga kababayan kasabay nang pagpapataas ng vaccination coverage.

Kasunod nito, ipinauubaya na ng Malacañang sa mga eksperto kung kailan masasabing tuluyan nang nagwakas ang pandemya o yung tinatawag na endemic.

Facebook Comments