Solid north campaign sortie, ipagpapatuloy ng Mayor Isko Moreno for President ngayong araw

Matapos ang mainit na pagtanggap sa kanya sa La Union kahapon, itutuloy ngayon ng partidong Aksyon Demokratiko sa pangunguna ng standard bearer na si Mayor Francisco “Isko” Moreno ang motorcade sa itinuturing na solid north o balwarte ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Ngayong umaga ay tutungo ang alkalde sa lalawigan ng Pangasinan kasama ang kanyang running mate na si vice presidential candidate Doc Willie Ong at tatlong senatorial candidates kung saan itutuloy ng Team Yorme ang kanilang campaign sortie.

Ganap na alas-8:30 ng umaga ay dadalo sa town hall meeting si Moreno sa Stadia, Dagupan City na inaasahang tatagal ng ilang oras.


Kasunod nito ang isa pang pulong mula ala-1:00 hanggang alas-2:30 ng hapon sa Sison Municipal Hall.

Magkakaroon din ng meet and greet ang Aksyon Demokratiko sa Pozzurubio Central School alas-3:00 ng hapon.

Dadalo naman sa ganap na alas-4:16 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi ang grupo sa pulong sa Don Rufino Tabayoyong Central School sa Bayan ng Laoac.

Facebook Comments