Inaasahan ng gobyerno ang mas malakas na Gross Domestic Product o GDP growth para sa buong taon ng 2022.
Sa luncheon meeting dito sa Davos, Switzerland, sinabi ni Finance Sec. Benjamin Diokno na mas mabilis ang 2022 GDP growth sa target nilang 6.5 hanggang 7.5 percent.
Kaya nakikita rin ni Diokno na lalago ang ekonomiya ng 6.5 percent ngayong taon.
Isa aniya ito sa pinakamataas kung hindi man pinakamataas na growth projection sa Asia-Pacific Region.
Paliwanag ng kalihim, ang abalang manufacturing sector, record-low na unemployment at stable na banking system ay mga indikasyon ng matatag na ekonomiya.
Dagdag pa aniya ang pagbubukas ng ekonomiya sa foreign equity at pinahusay na ease of doing business.
Facebook Comments