ADMISSION PARA SA LIBRENG KOLEHIYO SA BAYAMBANG, BINUKSAN NA SA PUBLIKO

Binuksan na sa publiko ang admission sa Bayambang Polytechnic College (BPC), na nag-aalok ng libreng tuition fee para sa mga residente sa bayan at 50% diskwento para sa mga non-residents.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na matiyak na walang kabataang maiwan sa pag-aaral dahil sa kakulangan sa pinansyal na kakayahan.

Nag-aalok ang institusyon ng mga kursong BS Entrepreneurship at BS Agribusiness, pati na rin ng short-term courses gaya ng Computer System Servicing NCII at Electrical Installation & Maintenance NCII, na idinisenyo hindi lamang upang magbigay ng kaalaman kundi upang magpalakas ng kakayahan ng kabataan bilang mga propesyonal at lider ng komunidad.

Inanyayahan naman ng lokal na pamahalaan ang mga nagnanais na mag-enroll at gamitin ang pagkakataon upang makapagtapos sa pag-aaral.

Samantala, target matapos ngayong Nobyembre ang pagtatayo ng gusali na inaasahang magkakaroon ng higit tatlumpung silid para sa mga enrollee. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments