Adobong Puti Recipe

IMAGE: SALU SALO RECIPES

Kilala ang adobo bilang isa sa pinaka sikat na pagkaing pinoy. Bukod sa madaling lutuin, masarap pa. Ngunit kayo ba’y nag nanais pa ng ibang paraan ng pagluluto ng adobo? Ang Adobong kilala ng karamihan ay ginagamitan ng toyo at ang Adobong puti naman ay ginagamitan lamang ng asin. 

Narito ang Adobong Puti upang subukan sa inyong mga hapag kainan.

 
Mga kakailanganing sangkap:

  • Dalawang kutsara ng mantika
  • Binalatan at hiniwang sibuyas 
  • Isang ulong tinadtad na bawang
  • Isang kilo ng baboy o manok na hiniwa sa naaayon na laki
  • Isang baso ng suka
  • Tatlong baso ng tubig
  • Isang kutsarang asin o patis
  • Isang kutsaritang dinurog na paminta
  • Isang kutsaritang asukal
 
Paraan ng pagluluto: 
1. Ihanda ang mga sangkap ng Adobong Puting manok o baboy ( mantika, bawang, sukang, puti, paminta, asin, patis, dahon ng laurel)
2. Timplahan ang manok at lutuin ito.
3. I-gisa ang bawang
4. Dagdagin ang sukang puti, tubig, patis, at paminta. Kuluin ito.
5. Kapag kumukulo na, ilagay ang dahon ng laurel sa kawali
6. Lasahin ang adobo at dagdagan ng asin at patis kung kailangan pa ng timpla
7. Kainin ang iyong masarap na Adobong Puti!

Written by Allysa Irish G. Josef

Facebook Comments