Adopt sa Malnourished Child inilunsad sa Surigao City. Inilunsad at sinimulang ipatupad na ang programang Adopt a Malnourished Child para sa 52 na mga barangay na apektado sa Surigao City. Ayon kay Dr. Lina Dumale, ang namumuno sa City Nutrition Office, sa ilalim ng naturang programa ang mga Non-Govt Organizations ang inaampon sa pamamagitan sa pagbibigay pondo para sa pagpapakain ng masustansiyang pagkain sa loob ng 120 araw. Tinukoy na base sa kanilang listahan, may kabuuang 1,308 ang mga malnourish na kabataan, 5 taong gulang pababa.Samantala sa listahan naman ng Dept. Of Social Welfare and Devt. may 3,380 ang mga malnourish na nasa iba’t ibang Day Care Centers. Binigyangdiin ni Dr. Dumale, may iilang NGO’s na ang nagpaabot ng tulong at nangakong susuporta sa Adopt a Malnourished Child ngunit hindi pa nasaklawan ang lahat ng 52 na barangay na apektado sa malnutrisyon kaya kailangan pa nila ng karagdagang saklolo.
Adopt sa Malnourished Child inilunsad sa Surigao City.
Facebook Comments