Advance party ng Atin Ito Coalition, nakarating nang maayos sa Bajo de Masinloc

Matagumpay na nakarating ng Bajo de Masinloc ang advance party ng Atin Ito Coalition.

Ito’y kahit pa tinangka ng Chinese Coast Guard Vessel na harangan sila at buntutan habang naglalayag.

Kaugnay nito, naipamahagi nila ang nasa 1,000 litro ng krudo at 200 food packs sa mga mangingisdang Pinoy.


Nauna nang iniulat ng Philippine Coast Guard (PCG) na sinusubukang harangin ng China Coast Guard vessel ang convoy ng mga magdadala ng suplay.

Ayon sa PCG, namataan ng BRP Bagacay ang CCG vessel na may body number na 4203 habang naglalayag ang Filipino fishing vessels (FFVs) na Paty at Bing Bing.

Kaugnay nito, ang civilian boats naman na sinasakyan ng media ay wala ng plano pa na maglayag at sumunod sa nasabing teritoryo.

Ito na ang ikalawang araw ng civilian supply mission sa West Philippine Sea na pinangungunahan ng Atin Ito Coalition.

Facebook Comments