Advance team ng WHO, aalamin ang pinagmulan ng COVID-19 sa China

Pag-aaralan ng advance team ng World Health Organization (WHO) ang pinagmulan ng Coronavirus Disease sa China.

Ayon kay WHO Spokesperson Margaret Harris, magsasagawa sila ng malalimang imbestigasyon para matukoy ang pinagmulan ng nakahahawang sakit na pumatay sa maraming tao sa iba’t ibang mga bansa.

Nabatid na isang specialist sa animal science at epidemiology ang makikipagtulungan sa mga Chinese scientist.


Ayon naman kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus, maaari pa ring makontrol ang pagtaas o pagkalat ng Coronavirus kaya walang dapat na ipag-alala ang mga tao.

Aniya, nakakalungkot man ang pagdami ng mga nagpopositibo sa COVID-19 sa nakaraang anim na linggo pero marami pa ring halimbawa na gamot mula sa iba’t ibang panig ng mundo na posibleng lumutas sa problema ng bawat bansa.

Facebook Comments