Fil-Am center Sage Tolentino, target na papirmahin ng Kentucky Wildcats matapos mabigong makuha si Kai Sotto

50

Target ngayon ng Kentucky Wildcats na mapapirma si 7’1 Filipino-American basketball player Sage Tolentino para maglaro sa kanilang koponan matapos mabigong makuha si 7’2 Kai Sotto.

Mismong si Wildcats Associate Head Coach Kenny Payne ang nakikipag-usap ngayon kay Tolentino para makuha ang serbisyo nito para sa 2022.


Bukod sa Kentucky ay may isa pang eskwelahan sa Eastern Alabama ang lumiligaw umano kay Tolentino para maglaro rin sa kanilang koponan.

Sa ngayon ay nag-aaral sa isang eskwelahan sa Honolulu, Hawaii si Tolentino na kabilang din sa mga manlalaro ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP).

Facebook Comments