Magsasagawa ang Brazil ng clinical trial sa bakuna na gawa sa China laban sa Coronavirus disease kung saan maglalabas ito ng unang dose para sa 900 volunteers.
Ang Coronavac ay ginawa ng isang pribadong Chinese Pharmaceutical Firm na Sinovac.
Ito ang ikatlong Pharmaceutical Company na sumabak sa phase 3 trials o large-scale human testing.
Ayon kay State Governor Joao Doria, sisimulan ang testing sa hospital ng Sao Paulo at inaasahang ilalabas ang initial result sa loob ng 90 araw o tatlong buwan.
Nakipagtulungan din ang Sinovac sa isang Brazilian Public Health Research Center para sa human trial nito.
Sa oras na mapatunayang ligtas at epektibo ang bakuna, magkakaroon ng karapatan ang institusyon na mag-produce ng 120 million doses.
Facebook Comments