Adverse effect ng Dengvaxia, sanhi ng pagkamatay ng mga batang nabakunahan

Manila, Philippines – Iginiit ni dating DOH Consultant Dr. Francis Cruz na adverse effect ng Dengvaxia ang sanhi ng pagkamatay ng mga batang naturukan ng nasabing bakuna.

Ayon kay Cruz, karamihan sa mga biktima ay naturukan ng isa, dalawa o tatlong dosage ng Dengvaxia.

Halos walumpu aniya sa mga namatay na bata ay walang history na naospital o nagkasakit ng matindi.


Una nang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III na “dose failure” ang sanhi ng kamatayan ng mga bata dahil hindi nakumpleto ang tatlong dosage ng Dengvaxia vaccine.

Facebook Comments