ADVISORY | Ilang kalsada sa Maynila, isasara sa Biyernes para sa paggunita ng deklarasyon ng Martial Law

Manila, Philippines — Simula alas-6 ng umaga sa Biyernes (Sept 21) isasara muna sa mga motorista ang kahabaan ng Northbound at Southbound lane ng Roxas Blvd mula Katigbak Drive hanggang President Quirino Avenue.
Sarado rin ang Eastbound lane ng TM Kalaw mula Ma. Orosa hanggang Taft Avenue.
Pati na ang east at westbound lane ng TM Kalaw mula MH Del Pilar to Roxas Blvd., at UN Avenue corner Roxas Blvd service road.
Ito ay para bigyang daan ang mga pagkilos na isasagawa para sa paggunita ng deklarasyon ng Martial Law noong Sept 21, 1972.

Kaugnay nito,sa mga sasakyan na magmumula sa northern part ng Maynila na dadaan sa kahabaan ng Roxas Blvd. southbound lane, at manggagaling sa Delpan Bridge-Pier Zone, ay pinapayuhang kumaliwa sa P. Burgos.

Sa mga dadaan naman sa westbound lane ng TM Kalaw, pinapayuhang kumaliwa sa MH del Pilar.


At sa mga manggagaling naman sa southern part ng Maynila, pinapayuhan na kumanan sa Pres. Quirino Avenue.

Facebook Comments