ADVOCACY GROUP AT KAPULISAN NG LUNGSOD NG CAUAYAN, NAKIISA SA BLOODLETTING ACTIVITY

Cauayan City, Isabela- Nakiisa ang kapulisan ng PNP Cauayan sa isinagawang bloodletting activity ngayong araw sa himpilan ng Isabela Police Provincial Office sa City of Ilagan.
Ayon kay PLT Scarlette Topinio, tagapagsalita ng PNP Cauayan City, bukod sa mga dumalong tauhan ng bawat hanay ng pulisya sa Isabela ay Sumama at kinuhanan rin ng dugo ang ilang nagboluntaryong miyembro ng Advocacy group na mula sa iba’t-ibang bayan dito sa Lalawigan ng Isabela.
Ito ay inisyatibo ng IPPO katuwang ang Philippine Red Cross o PRC Isabela na layong makatulong sa mga taong nangangailangan ng dugo at para madugtungan na rin ang kanilang buhay.

Facebook Comments