Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Roger Talino, ang lokal na pamahalaan ng Carmen ay nagsagawa ng “peace advocacy on the GPH-MILF Peace Process and Anti – Violent Extremism”.
Ang aktibidad ay ginanap sa Markadz Ebrahim Al Islamie, Barangay Nasapian, Carmen, North Cotabato.
Naisakatuparan ito sa pakikipagtulungan ng MILF Political Committee, MILF Committee on Information, MILF Da’wah Committee at Masajid Affairs of Liguwasan Province katuwang ang security sector ng bayan at ng lalawigan ng North Cotabato.
Ang peace advocacy ay sa ilalim ng pamamatnubay ng Office of Deputy Governor on Muslim Affairs ng North Cotabato at dinaluhan ng 1,500 Bangsamoro stakeholders.
Doon ay tinalakay ni Shiek Abdulhadie Gumander, MILF Da’wah Committee on Non – Muslim Affairs ang Anti – Violent Extremism sa perspektibo ng Islam, Islamic Leadership at ang katapatan sa mga lider.
Binigyang diin ni Sheik Gumander ang kahalagahan ng pagkakaisa at katatagan sa Islam partikular ang Bangsamoro at ang katapatan sa kanilang pinuno bilang anyo ng Ibaadah (worship).
Bilang kinatawan ni MILF Peace Implementing Panel Chairman Mohagher Iqbal ay nagbigay naman ng updates si Atty. Haron Meling ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) hinggil sa GPH – MILF Peace Process at tinalakay ang mahahalagang punto sa Bangsamoro Basic Law (BBL).
Samantala, tinalakay ni 602nd Brigade Commander Col. Alfredo Rosario Jr. ng 6th Infantry “Kampilan” Division ng Philippine Army ang mandato at mga katangian ng Martial Law at muling inihayag ang kanilang suporta sa peace process at sa agarang pagkakapasa ng BBL.
Advocacy on GPH – MILF Peace Process and anti – violent extremism-isinagawa ng Carmen LGU!
Facebook Comments