Aegis Juris Fraternity, hindi nakipag-ugnayan sa faculty sa isinagawang hazing – Dean Atty. Nilo Divina

Manila, Philippines – Nilinaw ni University of Sto. Tomas Civil Law Dean Atty. Nilo Divina na hindi nakikipag- coordinate sa Faculty ng naturang Universidad ang Aegis Juris Fraternity.

Ayon kay Divina hindi umano nakipag-ugnayan sa Faculty at hindi nila alam na mayroon palang ginagawang initiation rites ang nasabing Fraternity at hindi sila nakikialam sa mga aktibidades ng anumang klaseng fraternity sa Unibersidad.

Ginawa ni Divina ang pahayag matapos na mapatay sanhi ng mga pasa sa katawan dahil sa hazing si Horacio Tomas Castillo III, na natagpuan sa alas siyete ng umaga noong linggo sa Balut, Tondo.


Paliwanag ni Divina sa ilalim ng Anti-Hazing Law, kinakailangan ipagbigay alam agad ng pamunuan ng Unibersidad sa pamamagitan ng sulat ang gagawing hazing o initiation rites pitong araw bago ang naturang gawain.

Nakasaad sa sulat ang gawain ng initiation na hindi lalampas ng tatlong araw,nakalagay ang mga pangalan na kasali sa mga gawain at walang physical violence sa naturang initiation rites alinsunod sa,” Republic Act No. 8049 kung saan mananagot sa batas ang mga opisyal at miyembro ng fraternity na kasama sa isasagawang initiation rites kung mayroong miyembro ang masawi.

Facebook Comments