Aerial attack ng militar sa hinihinalang posisyon ng pro-Islamic State group na BIFF sa boundary ng Maguindanao at North Cotabato, nagpapatuloy

Mindanao – Patuloy ang aerial attack ng militar sa mga hinihinalang posisyon ng pro-Islamic State Group na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa boundary ng Maguindanao at North Cotabato.

Ayon kay Capt. Nap Alcarioto, tagapagsalita ng 6th infantry division, nakikipag-sagupaan ang army sa BIFF faction na pinangungunahan ni Commander Abu Toraypie, na kaalyado ng Maute-ISIS.

Ilan aniya sa mga tauhan ni Toraypie ay nakatakas mula sa Marawi City.


Samantala, mahigit 2000 residente na ang apektado kaguluhan.

Facebook Comments