Aerial inspection ni PBBM sa mga lugar sa Metro Manila na hinagupit ng Bagyong Enteng, natuloy na

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang aerial inspection ngayong tanghali sa La Mesa Dam, Marikina, at Antipolo, para makita ang lawak ng pinsalang iniwan ng Bagyong Enteng sa Metro Manila.

Matatandang hindi natuloy kaninang umaga ang pag-ikot ng pangulo dahil sa masamang panahon kung kaya’t dumiretso na lamang ito sa pulong kasama ang National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC.

Ayon sa pangulo, noong nakalipas na dalawang araw pa niya sana nais gawin ito ngunit hindi siya pinahihintulutan ng panahon.


Ang kaniyang pagiikot ay magva-validate lamang ang mga ulat datos na una na niyang natanggap mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaan.

Samantala, hindi na natuloy ang aerial inspection ng pangulo sa Bulacan dahil patuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan.

Facebook Comments