Wednesday, April 29, 2026

Mga Pilipino sa Middle East, pinag-iingat ng pamahalaan sa gitna ng nangyayaring tensiyon

Mahigpit na pinag-iingat ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga Pilipinong manggagawa sa Middle East sa gitna ng nagpaatuloy na tensiyon ngayon.

Sa isang pahayag, pinaalalahanan ng OWWA ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na sundin ang mga abiso ng Philippine Embassy at lokal na awtoridad kaugnay sa kasalukuyang sitwasyon.

Patuloy naman anila ang kanilang koordinasyon sa mga Migrant Workers Office at Embahada upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa Gitnang Silangan.

Inabisuhan pa ang mga Pinoy doon na subaybayan ang mga ang opisyal na anunsyo ng Philippine Embassy at verified accounts ng host government, tukuyin ang pinakamalapit na shelter at maging handa sa anumang emergency alert.

Pinaiiwas din muna ang mga Pilipino abroad na magtungo sa mga lugar na may potensyal na panganib at hinikayat na makipag-ugnayan sa mga hotline ng Embahada, Migrant Workers Office at OWWA para sa agarang tulong kung kinakailangan.

Pinayuhan naman ng mga Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia; Abu Dhabi; at Philippine Consulate General sa Dubai and Northern Emirates ang mga kababayan natin na maging kalmado at makinig lamang sa mga opisyal na abiso.

Facebook Comments