Aerial search and rescue operations, patuloy na isinasagawa ng PAF sa nawawalang chopper sa Palawan

Photo Courtesy: Philippine Air Force

Patuloy ang isinasagawang aerial search and rescue operations ng Sokol Helicopter ng 505th Search and Rescue Group ng Philippine Air Force (PAF) sa bisinidad ng Balabac at Mangsee sa Palawan.

Ito ay para mahanap ang nawawalang medical evaluation chopper ng Philippine Adventist Missionary Aviation Services (PAMAS).

Ayon kay Philippine Air Force Spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo, nakipagtutulungan ang Sokol Aircrew sa BRP Jose Rizal (FF-150) ng Philippine Navy sa Balabac upang mahanap ang yellow bee aircraft.


Sakay ng nawawalang chopper ang piloto, nurse, pasyente at dalawa pa.

Nabatid na galing sa Mangsee Island sa Balabac,Palawan ang aircraft at patungo sanang Southern Palawan Provincial Hospital sa Brooke’s Point nang mawala sa radar ng Civil Aeronautics Authority of the Philippines.

Facebook Comments