Kinaaliwan ang isinagawang aerobatic show ng “Black Eagles” aerobatic team ng Republic of Korea Air Force na isinagawa sa Floridablanca, Pampanga airbase kahapon.
Namangha’t natuwa ang mga nakasaksi nang gamitin ng aerobatic team ang kanilang mga T-50B Golden Eagle Super-sonic Aircraft.
Nabatid na kilala sa buong mundo ang Black Eagles dahil sa husay nila sa aerobatic show kung saan nakapagtanghal na sila sa iba’t ibang bansa tulad ng Egypt, Poland, at United Kingdom.
Sinasabing kahalintulad din ng FA-50 light combat aircraft ng Phil. Air Force ang supersonic advanced fighter jets na ginamit ng Korea sa pagpapakitang-gilas sa real-time warfare formations.
Ayon sa Philippine Air Force, bago ang airshow proper ay nagkaroon muna ng isang araw na final rehearsal ang grupo sa Basa Air Base.
Napanood din ng mga netizen ang flight display sa pamamagitan ng official pages ng PAF at 5th Fighter Wing.