12 anyos na lalaki na nahulog sa isang creek sa Quezon City, hinahanap ng PCG

41

Patuloy ang isinawang operasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos mahulog creek at maanod ang 12 anyos na lalaki sa Brgy. Pinyahan, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Prince Kian Flores, na naligo sa creek kahapon sa kasagsagan ng malakas na ulan.

Kabilang sa sinuyod ng (PCG) ay ang creek sa NIA Road, Mother Ignacia Road ay hindi natagpuan ang bata.


Sa ngayon ay ipinagpatuloy pa rin paghahanap sa bata ngayong umaga dahil kagabi ay madaming basura at hindi kabisado ng PCG ang creek.

Ayon sa kasama nito na kanyang kalaro ay bigla na lang nawala ito sa kasagsagan ng malakas na ulan habang sila’y naliligo.

Umaapela naman ang mga rescuer sa kalapit na barangay ng Brgy. Pinyahan na silipin ang kadugtong ng nasabing ilog dahil baka doon inanod ang bata.



Facebook Comments