Affordable pork bill, pinaaaprubahan na sa pagbabalik-sesyon

Pinamamadali na ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang pagtalakay at pag-apruba ng Kamara sa House Bill 9256 o Affordable Pork Bill.

Ito ay kasunod na rin ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of national calamity dahil sa African Swine Fever (ASF).

Umaapela si Quimbo sa mga kasamahang kongresista na agad atupagin ang panukala sa pagbabalik sesyon sa May 17.


“I urge Congress to pass HB 9256 or the Affordable Pork Bill. This will help stabilize pork prices in the short term through direct government procurement, as well as allocate assistance for our local hog industry’s recovery and development,” ani Quimbo.

Ayon kay Quimbo, inaasahang malaki ang maitutulong ng pagsasabatas ng Affordable Pork Bill upang mapatatag ang presyuhan ng karne ng baboy sa bansa.

Poprotektahan din nito ang local hog industry, pati ang mga consumers ng baboy.

Sa ilalim ng panukala, bibigyan ng kapangyarihan ang Presidente para direktang makabili ng baboy sa mga local producers sa panahon ng emergency.

Bibigyan din ng ayuda ang mga local hog raisers at producers para makabawi sa epekto ng ASF.

“While tariffs have been lowered to address prices, the rise in imports will only further hamper our local hog raisers, who have already been struggling due to ASF. We cannot let imports kill our local industry,” sabi ni Quimbo.

Tinukoy ni Quimbo na bagamat bumaba ang taripa sa imported na baboy para sa pagbaba ng presyo nito sa palengke, dumami naman ang imports na nakakaapekto sa mga hog raisers sa bansa.

Facebook Comments