DND, nakikiisa sa pagdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan

Nakikiisa ang Department of National Defense sa mga kapatid na muslim sa pagdiriwang ngayong araw ng Eid al-Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ang pagdiriwang ng Eid al-Fitr ay isang oportunidad para sa lahat na magkaisa para matamo kapayaan at prosperity ng bansa.

Sinabi pa ni Lorenzana nasa kabila ng COVID-19 pandemic, siya ay nagpapasalamat sa compassion at unity na ipinapakita ng mga Filipino na pagiging mapagmalasakit sa kapwa.


Hangad niya ay manatili ang harmony at pagkakaunawaan ng bawat isa na naaayon sa Islamic faith upang ma-inspire ang bawat Filipino para sa tinatamasang ‘heal as one’.

Facebook Comments