Manila, Philippines – Bukod sa pulis inatasan muli ngayon na bawal uminom sa pampublikong lugar ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay AFP chief of staff General Benjamin Madrigal, walang pinapayagang sundalo na uminom sa pampublikong lugar lalo na kung nakauniporme.
Aniya matagal na ang ganitong kautusan sa lahat ng sundalo para hindi masangkot sa gulo lalo na sa mga bar.
Nito lamang ipinagutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag iinom sa pampublikong lugar kasunod na rin ng mga balita na nasasangkot ang pulis at sundalo sa mga insidente kapag lasing na.
Sa ngayon nais ni Madrigal na iparating ang mensahe ng commander in chief sa lahat ng opisyal hanggang sa may pinakamababang ranggo.
Facebook Comments