*Cauayan City, Isabela- *Aktibong nakiisa ang tropa ng militar sa isinagawang Unity Walk and Peace Covenant Signing para sa Ugnayan ng Simbahan at Pulis (USAP) sa Gamu, Isabela sa pangunguna ng Isabela Police Provincial Office (IPPO).
Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Lt. Col. Remegio Dulatre, Commanding Officer ng 86th Infantry Battalion, 5th ID, PA, naging matagumpay anya ang pangalawang pagkakataon na USAP na layong magkaroon ng maayos at mapayapang halalan ngayong 2019 midterm elections.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga hepe ng bawat PNP Stations sa Isabela, Provincial Election Supervisor, DILG, mga batalyon kumander ng AFP, Provincial Prosecutor (DOJ), PPCRV Head, mga lider ng Simbahang Katoliko, mga stakeholders at mga kumakandidato.
Nagsimula ang Unity walk pasado alas sais kaninang umaga mula sa Junction Upi patungong St. Michael Cathedral, Gamu, Isabela.
Kaugnay nito, tiniyak naman ng Lt. Col Dulatre na kanila pa rin babantayan ang peace and order sa mga lugar upang mapanatili ang seguridad lalo na ngayong nalalapit na halalan.
Samantala, hinihintay pa rin ngayong Linggo ang findings ng SOCO Team Santiago City kaugnay sa narekober ng tropa ng 86th IB na bungo at kalansay ng isang tao sa bulubunduking bahagi ng Echague, Isabela.
Sa ngayon ay hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng natagpuang kalansay at wala pa anyang nagcle-claim mula sa mga residente ng Echague kaya’t malaki anya ang posibilidad na dayuhan ito.