AFP, all set na sa pagbibigay ng seguridad sa May 9 election

Kasado na ang inilatag na seguridad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa nalalapit na May 9, 2022 national and local elections.

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino, handang-handa na ang mga sundalo sa pagbibigay seguridad sa halalan.

Maging ang kanilang mga kagamitan ay naka-preposition na rin.


Sinabi pa ni Centino, naka-alerto rin ang militar sa anumang uri ng banta sa araw ng halalan at kasama rin sila sa hangarin ng iba’t ibang sektor ng gobyerno na maging maayos, malinis ang election.

Nakalatag din maging ang seguridad ng militar lalo na sa mga lugar na may mataas na banta ng mga local terrorist group.

Ipinagmamalaki rin ni Gen. Centino na sinunod ng COMELEC ang kanilang mungkahi, na pigilan ang mga kandidato na magbigay ng pera sa mga nangingingikil sa kanila lalo na ang extortion schemes ng Communist Party of the Philippines- New Peoples Army (CPP-NPA-NDF).

Facebook Comments