Roll signing ng mga bagong abogado, nagsimula na ngayong araw

53

Nagsimula na ngayong Mayo 4 ang roll signing ng mga pumasa sa 2020/2021 Bar examination.

Ang paglagda sa Roll of Attorneys ng mga bagong abogado ay isinasagawa sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

Para sa National Capital Region (NCR) at Luzon, ang roll signing ay sa Korte Suprema sa Maynila mula Mayo 4 hanggang 24 at Hunyo 6 hanggang 17 sa ganap na 8:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali at 1:30 hanggang 4:30 ng hapon.


Sa Visayas, ito ay isasagawa sa IBP Building sa Capitol Compound sa Cebu City, Cebu mula Mayo 30 hanggang Hunyo 3 habang sa Mindanao ay sa Cagayan de Oro City Hall of Justice mula Mayo 26 hanggang 28 sa mga parehong oras.

Tanging ang mga nabigyan ng clearance at dumalo sa oath-taking ceremony noong Lunes ang papayagan na lumagda sa Roll of Attorneys.

Facebook Comments